Manila, Here I Come

This is it!
All my bags are packed and neatly stacked in the garage.
Have my passport and ticket in one hand. 
I have never ever been this ready to go on a holiday.

The 7,107 islands of the Philippines awaits me.
And I can’t wait to see the wonder there is, in that beautiful city.
I am beyond excited, my happiness shows.
I am finally coming HOME!

 Would You Believe...

PS: This would also be my entry for Litratong Pinoy #36, entitled EXCITED

Litratong Pinoy #21: Mithi

Minsan noong aking kabataan,

Hiningi ko kay Lola ang isang palamuti,

Isang diamanteng krus na noon pa’y minimithi,

Ngunit sabi nya’y, “tsaka na at bata ka pa.”

 

At noong aking ika-30 kaarawan,

Sa isang pulang sisidlan,

Aking nasilayan ang palamuting ninanais.

At ngayo’y nakasabit na sya sa aking leeg.

 

Maraming salamat po, Lola!

Something Old

Litratong Pinoy #16: Luntian

Blue Green Sky

Paminsan minsan ay huminto ka naman, Kaibigan.

Nang iyong masilayan ang gandang mayroon,

Sa mundong ating ginagalawan,

Masdan mo ang gintong nakalutang sa luntian,

Damhin mo ang init ng araw sa dapithapon,

Lumakad sa ulan at ikaw ay magtampisaw,

Tumingin sa itaas at panoorin ang galaw ng mga ulap,

At sa paglubog ng araw, ikaw ay ngumiti sa langit,

Ipikit ang mga mata at magpasalamat kay Bathala,

Pagkat tayo ay tunay na pinagpala.

 

Litratong Pinoy #8: Tubig

Tubig, buo sa iisang patak
Pagdampi sa lupa’y mawawatak
Sa isang patak ay isang lakas
Sa binagsakan ay nanghuhugas

Water Droplets

Isang patak hindi mapapansin
Animo’y isang butil ng asin
Ngunit mula sa iisang patak
Ulang malakas dagat ang lawak

Where Water Meet The Earth

Mula sa isang kristal ng tubig
Ang taglay nito’y buhay ang pintig
Hatid sa lupa’y saganang yaman
Na dito ay sisibol ang laman

Almost Heaven