Litratong Pinoy #24: Pilak

 

Subalit may hihigit pa sa mga ginto at pilak
Higit pa ang kaningningan kaysa busilak na perlas
Ito’y wikang bukambibig ng pusong nagpapahayag
Ng ating damdaming tapat sa diwa ng pangungusap
Pakikipagtalastasan ay ganap na maliwanag
Dahil sa sariling wika ang lahi’y ganap nang likas.

 

Flower Brooch

Advertisements

19 comments

  1. ces · September 10, 2008

    malalim ang iyong mga kataga! hindi ko ata maarok:) ip op habs nalang kaya tayo?:)

  2. Reflexes · September 10, 2008

    kay ganda ng iyong akda gayun din ang larawan. magandang araw!

  3. Dr Emer · September 10, 2008

    Ang ganda ng tula tungkol sa sariling wika at ang ganda din ng iyong larawan!

  4. julie · September 10, 2008

    Napakasalimuot naman ng mga katagang ito 🙂 Ang ganda ng perlas.

  5. Girlie · September 10, 2008

    lutang na lutang ang image.

    pero nahirapan akong intindihin yung sinulat mo ^_^

  6. K · September 10, 2008

    Perlas ng Silangan.

    Parang tayong Pinoy, kahit hirap sa buhay, nakangiti at lutang pa rin ang saya.
    Parang Pilipinas, kahit daanan ng maraming bagyo, nakakaraos pa rin. Maganda ang mga tanawin kapag hindi galit si Madir Ert.
    Parang mga Magulang natin, ang kanilang pamana sa atin ang makatapos lang ng pag-aaral.

    Perlas ng Silangan, simpleng tingan na alahas, pero pag isinama mo ito sa pilak o ginto, lumulutang pa din ang kagandahan nya.

    *singing, Bayang Magiliw*

  7. Loren · September 10, 2008

    Salamat sa tulang iyong binahagi. Napakaganda, lalo na ng perlas 🙂

  8. Dyes · September 10, 2008

    ang ganda ng picture at ng talata 🙂 at mas maganda yung nilalaman ng picture! 🙂

  9. Liau · September 10, 2008

    narito muli…ito po ang unang pagsali ko sa LP sa blog na ito 🙂

  10. Thess · September 10, 2008

    Kapatid, ano raw? ay hehe joke lang….ang lalim naman kasi hindi ko naarok 😀

    miss na kitaaaaa, sana lagi kang nasa mabuting kalagayan, muah!

  11. Pinky · September 11, 2008

    Napakamakata naman ng iyong lahok ngayong linggo, kapatid. Malalim na, totoo pa – galing! 😉

  12. ShutterHappyJenn · September 11, 2008

    ang ganda naman ng brooch na ito! happy LP sa iyo!

  13. munchkinmommy · September 11, 2008

    nell, ang galing mo palang magtagalog! hee hee.

    Pilak Bag
    Pilak ng Prinsesa

  14. Mayet · September 11, 2008

    dalawang beses kong binasa yan huh! ganda ng shot!

  15. bw · September 11, 2008

    Ang ganda.. kumikintab 🙂

  16. lino · September 11, 2008

    magaling isang makata…. 🙂

  17. kathycot · September 11, 2008

    ang ganda naman!

  18. lidie · September 11, 2008
  19. sardonicnell · September 12, 2008

    maraming pong salamat sa inyong lahat. ako’y nagagalak na inyong naibigan ang aking lahok sa linggong ito. sa totoo lang eh nagdadalawang isip akong ilathala ang larawan na ito, palibhasa’y di siya gaanong mapilak sa aking paningin. what can i say, i am my worst critic. hahaha!

    at ipagpatawad ko po ninyo kong ako’y di pa nabisita sa inyong mga blog. mayroon lang po kasi akong proyekto na inaasikaso na kailangang matapos ngayong darating na lunes. ngunit sa susunod na linggo, maaaring ako’y dumalaw at magsulat ng komento sa inyong mga lahok.

    marami pong salamat sa inyong pag-unawa. mwaaah 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s