Litratong Pinoy #16: Luntian

Blue Green Sky

Paminsan minsan ay huminto ka naman, Kaibigan.

Nang iyong masilayan ang gandang mayroon,

Sa mundong ating ginagalawan,

Masdan mo ang gintong nakalutang sa luntian,

Damhin mo ang init ng araw sa dapithapon,

Lumakad sa ulan at ikaw ay magtampisaw,

Tumingin sa itaas at panoorin ang galaw ng mgaΒ ulap,

At sa paglubog ng araw, ikaw ay ngumiti sa langit,

Ipikit ang mga mata at magpasalamat kay Bathala,

Pagkat tayo ay tunay na pinagpala.

Β 

Advertisements

35 comments

  1. Marites · July 16, 2008

    tama ka nga naman..minsan o kadalasan, masyado tayong nakatutok sa pang-araw araw ng pamumuhay at nakalimutan na nating huminto at tumingin sa paligid at magpasalamat sa Diyos na maganda pala ang mundo at marami pang puwedeng makitang biyaya sa hinaharap.

  2. ces · July 16, 2008

    ang husay ng anggulo ng larawan, mukhang mataas iyan ah…at maganda ang contrast the kulay bughaw sa luntiang puno!

  3. Tere {Blessings in Life} · July 16, 2008

    Magandang Huwebes!

  4. Joy · July 16, 2008

    Ganda ng kuhang ito!!!

  5. zamejias · July 16, 2008

    I like the pattern created by the leaves. And the sky is sooo blue. Happy Thursday.

  6. Jen · July 16, 2008

    I like this! Feel ko parang nahahawakan ko siya, ganun yung dating.

    Indoor plant ba ito, Nell?

    I didn’t know na nag-knit ka! Yay! Knowing that you knit is soooo cool! Pwede ba akong magtanong sa iyo pag may hindi ako maintindihan? Newbie knitter ako eh. πŸ™‚

  7. lino · July 16, 2008

    this is nice nell… green on a blue background… good shot! happy thursday!!! πŸ™‚

  8. christine · July 16, 2008

    gusto ko ang contrast ng berde at asul. matingkad at masigla ang mga kulay.

  9. peterahon · July 16, 2008

    kaiga-igayang tula!

    blessings of green to thee… blessings upon blessing to you…

    I like the photo and the poignant poem…

  10. ShutterHappyJenn · July 16, 2008

    Agree ako diyan… minsan puro reklamo, di nila alam ang yaman ay nasa tabi-tabi lang.

    Ang aking LP ngayong linggo ay makikita sa blog na ito:
    Shutter Happenings.

    Daan ka ha? Salamat!

  11. betchay · July 16, 2008

    fern ba yan? o ipil? ay sorry mahina ako sa halaman… pero refreshing tingnan ha… lalo na at blue na blue ang background

  12. Girlie · July 16, 2008

    Amen, pero ayaw ko lumakad sa ulan at magtampisaw, baka magka-flu ako πŸ˜€

  13. komski kuno · July 16, 2008

    Ang sarap mabuhay:D

  14. Buge · July 17, 2008

    Ang ganda ng kulay ng mga dahon at ng langit! Ang ganda din ng tula mo. Dapat nga nating i-appreciate at ipagpasalamat ang maliliit na bagay na kadalasan ay hindi na natin napapansin. Salamat sa pagpapaalala!

    Magandang Huwebes!

  15. ettey · July 17, 2008

    ang galing nman po ng tula at larawan ^_^

  16. farah · July 17, 2008

    nice entry! nakakarefresh ng mata πŸ™‚

  17. Cookie · July 17, 2008

    Oo nga naman. Ika nga, stop an smell the roses… or the dirty river πŸ˜€

  18. jeanny · July 17, 2008

    wow makata πŸ™‚

    totoong maraming maganda sa ating kapaligiran. Kailangan lang natin maging appreciative πŸ™‚

    Happy LP!

  19. Thesserie · July 17, 2008

    Nell!! *hugsybugsy*
    ang galing talaga tumula πŸ™‚ at tama sila, maganda ang contrast ng litratong ito.

    (psst, masyadong busy akesh, grabe! mapapahinga lang sa mid-sep. pa *sigh*) sana laging kang ok dyan…muah!

  20. Jules · July 17, 2008

    kumusta, kumusta πŸ™‚ ang galing ng kuha mo at ang ganda ng tula mo

    happy h’webes!

  21. pining · July 17, 2008

    ang galing ng kuha πŸ™‚
    at higit sa lahat napakagandang tula!
    happy snapping πŸ™‚

  22. G_mirage · July 17, 2008

    Tula at litrato, parehong napakaganda. Pati pala ang langit sa likod ng mga dahon ay ang ganda din!

    Shempre magaling ang Disenyador kaya maganda din ang mga disenyo!

    Happy LP !!!

  23. julie · July 17, 2008

    Love this photo and the poem.

    Pasensiya na ha,binabasa ko kasi yung ibang posts mo πŸ™‚

  24. fortuitous faery · July 17, 2008

    stop and smell the…green leafy vegetables? or what’s left of it perhaps.

    kala ko nung una, malunggay…hindi pala. i’m craving malunggay. haha.

    http://fairywinkle.blogspot.com/2008/07/litratong-pinoy13luntian-berde.html

  25. teys · July 17, 2008

    ang ganda naman ng iyong tula, kapatid! πŸ˜€ agree ako dyan!

    happy lp!

  26. Meeya · July 17, 2008

    wow nell, ang ganda!!! i love the contrast of the greens with the blue. pati yung tula mo, nakaka-inspire. πŸ™‚ *muah*

    Luntian sa MyMemes
    Luntian sa MyFinds

  27. linnor · July 17, 2008

    Parang naging magandang artwork ang nalikhang pattern ng luntiang dahon sa asul na kalangitan. πŸ™‚

  28. Pinky · July 17, 2008

    Naalala ko tuloy bigla yung mga puno ng ipil-ipil sa paaralan namin noong ako’y grade school – hawig kasi ng dahon sa kuha mo… Mas maganda lang nga yung sa yo dahil mukhang walang higad! Hahaha! πŸ˜†

    Sang-ayon ako sa iyong tula. Dapat talagang magpahinga paminsan-minsan upang lalong mabigyang-halaga ang mga biyaya sa atin na karaniwan nating di napapansin.

  29. KD · July 20, 2008

    Ganda ng iyong tula kaibigang makata, tamang tama sa tema. Happy LP

  30. emoterang nurse · July 22, 2008

    ganda nman ng picture at tula…

    ganda ng blue na background…ang galing… πŸ™‚

  31. iska · July 25, 2008

    tama ka dyan… ako ay walang hinto sa pagtingin sa kagandahan sa kapaligiran. kaya ever ready sa kodakan!

  32. Leap of Faith! · July 27, 2008

    Beautiful contrasting colors. I like it. Katulad ni Pinky, I remember the ipil-ipil trees.

  33. sardonicnell · July 29, 2008

    WOW, thirty four kind comments — that’s awesome. and forgive me if i’m doing a mass thank you. it’s simply a lot of people to address with very little time. but, i thank you all a million folds. YOU guys amaze me πŸ˜‰

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s