Litratong Pinoy #21: Mithi

Minsan noong aking kabataan,

Hiningi ko kay Lola ang isang palamuti,

Isang diamanteng krus na noon pa’y minimithi,

Ngunit sabi nya’y, “tsaka na at bata ka pa.”

 

At noong aking ika-30 kaarawan,

Sa isang pulang sisidlan,

Aking nasilayan ang palamuting ninanais.

At ngayo’y nakasabit na sya sa aking leeg.

 

Maraming salamat po, Lola!

Something Old

Advertisements