Litratong Pinoy #5: Malungkot

Ang litratong ito’y tinawag ko na Paglisan. Pagkat ito’y kuha noong panahon ng may isang tao na lumisan sa buhay ko…

Break of Dawn

Paglisan

Kung ang buhay ay isang umagang nakangiti
At ikaw ay ang lupang sinusuyo ng bituin
Di mo man silip ang langit
Di mo man silip ito’y nandirito pa rin
Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa iyong paglisan ang tanging pabaon ko
Ay pag-ibig…

At ito naman ang isa pang litrato na pimagatan kong Pag-iisa. Na syang nararamdaman sa tuwi tuwina.

Kung di pa naman kayo nalungkot nyan, eh ewan ko nalang…

Β 

Advertisements

32 comments

  1. g_mirage · May 1, 2008

    Ang mga black and white na litrato nga ay talagang malungkot ang ibinibigay na damdamin, lalo na iyang may nag-iisang bato sa gitna…

    Gusto ko ang kantang iyan, Rivermaya yata yan (naku malilimutin na ako, nakakalungkot na sitwasyon) =D Maligayang LP!

    maraming salamat, gmirage. ako’y nagagalak na iyong naibigan ang aking mga larawan. yong nag iisang bato ay kuha sa san francisco, ako kasi ay namangha pagkat walang nakapalibot sa kanya maliban sa tubig. and speaking of paglisan, isa yan sa hilig kong kantahin tuwing karaoke nights. hehehe πŸ˜‰

  2. g_mirage · May 1, 2008

    Naalala ko, Colot it Red pala ang kumanta nyan, si cookie chua hehehehe.

    tama ka, color it red nga ang kumanta non. thanks for reminding me πŸ˜‰

  3. iska · May 1, 2008

    naku, paborito ko naman ang kantang yan. paglisan. gandang ganda ako sa awit na yan.

    ang pangalawang larawan mo naman ay pareho ng tema ng aking LP5. ‘ang pag-iisa’…

    ako rin, iska. paborito ko yang awitin tuwing nag vivideoke kami, hehehe. bakit nga ba nakakalungkot ang mag-isa? sigh. maraming salamat sa iyong pagdalaw at komento. God bless πŸ˜€

  4. Thess · May 1, 2008

    Habang pinagmamasdan ko ang mga larawan mo, biglang kumanta naman si Leah Navarro sa diwa ko ng :

    ‘Umiiyak ang aking pusong nagdurusa
    Ngunit ayokong, may makakita…”

    hala tumutulo tuloy sipon ko hu hu hu πŸ˜€

    kahit anong sakit ang aking maranasan yan ay ayokong kanyang malaman… ituloy na natin eto at tayo’y mag-duet, sister. hehehe! di mo na itatanong, kasama ito sa mga kantang aking pinakikinggan tuwing ako’y nabroboken hearted. ang drama, dba? ay sis, maraming salamat sa iyong madamdaming komento, hehehe. love yah lots, kapatid. namimiss na kita, pakiss at pa-hug nga dyan. mwaaah πŸ˜‰

  5. Linnor · May 1, 2008

    mas malungkot nga tingnan ang litratong black & white…

    totoo yan, linnor. parang melodramatic ba ang dating, dba πŸ˜‰

  6. Girlie · May 1, 2008

    malungkot talaga kapag ikaw ay nilisan ng mga mahal sa buhay…

    ay girlie, bumaliktad ang mundo ko ng ako’y lisanin ng tange kong pag-ibig. pero sabi nga nila, may mas higit pang darating sa buhay natin. dba πŸ˜‰

  7. Pinky · May 1, 2008

    Anuvah, kapatid, nakaka-antig naman ng damdamin ang iyong mga litrato at ang kalakip na tula! Nawa’y maibsan ang iyong kalungkutan at pangungulila sa lalong madaling panahon. Ngiti namn diyan – hehehe! πŸ˜‰

    ay don’t worry about me, sis pinky. okay lang po ako, nadala lang tema natin sa LP. hehehe! ako na ang nagsasabi sayo kapatid, masaya ako. i just have to get used to being single again. ayan at naka-smile na ako, mwaaah :mrgreen:

  8. jeanny · May 1, 2008

    maganda ang mga photos…dramatic ang dating. nakakalungkot nga.

    maligayang LP katoto…

    magandang araw sayo, jeanny. maraming salamat sa iyong komento at pagdalaw dito sa aking blog. ako’y natutuwa na iyong naibigan ang aking mga larawan πŸ˜€

  9. Meeya · May 1, 2008

    napaka-depress naman nell!

    naalala ko ang kantang yan, na-miss ko tuloy si cookie chua na dati ay paboritong-paborito ko. nalulungkot ako at hindi nagtuloy-tuloy ang kanyang pagsikat. eto na lang nell, sa iyong paglisan ang tanging pabaon ko… ay jollibee. πŸ™‚ *muah*

    yumburger or palabok fiesta po ba yan, sis meeya? hahaha, that was really funny. thanks for reminding me the name of the singer, tagal na kasi since i heard her sing. sayang nga at di sya gaanong sumikat. kaganda pa naman ng kanyang tinig, at ang awiting paglisan — talagang damang dama ko yan noong ako’y nilisan ng isang mahal sa buhay. feeling ko nga eh nasa mtv ako, hehehe. thanks for your kind comment, sis. mwaaah πŸ˜€

  10. julie · May 1, 2008

    Napakaganda ng iyong mga larawan. Kahit nga hindi mo sabihin ang dahilan, malungkot ng tingnan.

    P.S. Mabuti naman at nagkausap na kayo ng iyong mahal na ina πŸ™‚

    thank you, julie. i’m glad you like the photo, nakaka-antig dba? ang speaking of mom, we’re back to normal. balik na sya sa pagiging makulit. hehehe πŸ˜‰

  11. iris · May 1, 2008

    nalulungkot na ako, nell! hehe. maganda yang mga kuha mo. mas emotive ang mga larawan lalo pag may istorya sa likod nito. πŸ™‚

    maraming salamat, iris. i’m glad to hear that the photo’s were able to touch a soft spot in your heart. mahirap talaga ang nililisan at nag iisa. ayan, at nagdradrama na naman ako. hehehe :mrgreen:

  12. marie · May 1, 2008

    Ay sinabi mo pa! kulay palang nalungkot nako parang walang kabuhay buhay. That was a good entry…

    thank you, marie. i’m glad to hear that the photo serves it’s purpose, and that it is to touch someone’s emotion. thanks for the kind comment hah. God bless πŸ˜€

  13. yvelle · May 1, 2008

    hehehe.. ok ang tema mo, nice shots! have a great day!!

    http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-5-malungkot.html

    maraming salamat, yvelle. nakita ko ang iyong entry, you did a wonderful job with that photo as well. bigla kong naalala ang gimik naming magpipinsan sa tangier noon. hehehe πŸ˜‰

  14. ces · May 1, 2008

    madamdamin ang mga kuha mo…maganda!

    maraming salamat, ces. ako’y natutuwa at iyong naibigan ang aking larawan. God bless πŸ˜€

  15. Jules · May 1, 2008

    Kung may lumilisan, meron ding dumarating at ang pagtanggap sa mga ito ay dapat lang nating paghandaan.. πŸ™‚

    tama ka dyan, jules. at ako’y di nauubusan ang pag-asa na darating rin ang araw na babalik muli and pag-ibig sa buhay at puso ko. naks naman, ang drama noh πŸ˜‰

  16. fortuitous faery · May 1, 2008

    ang ganda ng mga litrato mo…lalo na ang munting bato sa tubig.

    thank you, fortuitous faery. glad you like the photos πŸ˜‰

  17. nina · May 1, 2008

    oo nga, nalungkot ako nung nakita ko ang black and white picture 😦 Salamat sa pagbisita.

    you’re welcome, nina. it was my pleasure to visit your site. and thank you also for visiting my blog. btw, i love your photo of the park. that was melodramatic hah πŸ˜‰

  18. lino · May 1, 2008

    nice… black and white… TGIF…

    thank you, lino. happy friday πŸ˜‰

  19. lids · May 1, 2008

    ang gaganda ng kuha… at damang-dama ko ang lungkot…
    magandang araw sa’yo…

    magandang araw din sayo, lids. and thank you for your kind comment. i must say that i love your photo, fave flower ko kasi ang white lilies πŸ˜‰

  20. korky · May 1, 2008

    nakakaiyak nga lalo na may lyrics pa nung kanta. huhuhu…

    hello korky, sorry to make you cry hah. ang theme kasi natin eh malungkot, kaya di naiwasan na magpost ako ng medyo madramang photo. saw your pix nga pala of corregidor and maganda pala don noh, one of these days eh mapupuntahan ko rin yan. hehehe πŸ˜‰

  21. ettey · May 1, 2008

    ang ganda ng pagkakakuha mo sa mga larawan. πŸ™‚

    maraming salamat, ettey. ako naman eh medyo naantig sa iyong larawan, my prayers are with you and your family. God bless πŸ™‚

  22. carol bustos-santiago · May 1, 2008

    wow! what camera are you using? πŸ™‚

    hello carol, i’m using a canon rebel xti. they also call it a 400d. thanks for the blog visit πŸ˜‰

  23. munchkinmommy · May 1, 2008

    nell, kung hindi mo inexplain, hindi siya nakakalungkot. kasi as usual, ang ganda ng mga litrato. πŸ˜€ huwag ka nang malulungkot ulit! tawagan mo lang ako pag nalulungkot ka para tawanan upto kabag levels tayo. πŸ˜‰ mmwah! ang aga mo nagpost ha. matutuwa ang LP admin nyan! πŸ˜€

    hello weng, maraming salamat sa iyong komento. ako’y lumilipad na naman sa alapaap sa tuwa ng dahil sa iyong mga nasabi. uyyy, and di po ako malungkot hah. yong photos lang, not me. be rest assured sis that i’m doing fine. sige po at tatawagan kita at ng sumakit na naman ang tiyan natin sa kakatawa. hahahah! ang napaaga nga ako, palibhasa eh ‘the bomb’ ang beauty ko ngayon, hehehe. love yah lots. mwaaah πŸ˜€

  24. haze · May 2, 2008

    swak na swak ang b/w na mga kuha sa tema. mas nakakadagdag sa emosyon. ang husay!!

    maligayang LP!

    maraming salamat, haze. kakataba naman ng puso ang iyong komento. nagustuhan ko rin ang larawan mo, muntikan na nga akong mapakanta eh. hehehe πŸ˜‰

  25. alpha · May 2, 2008

    malungkot talaga pag may umaalis no?

    salamat sa koment, naku nakalimutan ko na kung bakit umiiyak ang anak ko dun sa pic ko πŸ˜€

    totoo yan, alpha. pero sabi nga nila, may umaalis pero may dumarating rin. dba? maraming salamat sa iyong pagdalaw. God bless πŸ˜‰

  26. mousey · May 2, 2008

    wala bang tuwalya dito? waaaaaah….

    hahaha, wala mousey eh. bimpo meron, hehehe πŸ˜‰

  27. banggigay · May 2, 2008

    pramis natawa ko. di ko nakuha ang kalungkutan! πŸ™‚ i’m a retard like that! kse naman nang-asar ka pa sa huli

    “Kung di pa naman kayo nalungkot nyan, eh ewan ko nalang…”

    nawala tuloy momentum ko! hahaha!

    hahaha, paano naman bangge eh di naman talaga ako nalulungkot sa ngayon. sabi nga ni teacher juvy nong highschool tayo ‘ice breaker’ , yan ang tawag ko dyan. hehehe :mrgreen:

  28. Leap of Faith! · May 2, 2008

    Nell, bakit ba ganito ang theme ng LP… it is so depressing. Your pictures are beautiful. I love the first shot…

    hello keith, and thanks for your kind comment. medyo depressing nga ang theme natin, and somehow eh nakakadala. dba? i’m glad you like the first photo, salamat po ulit hah. God bless πŸ˜€

  29. bw · May 2, 2008

    Ang ganda ng black and white na kuha mo bro – malinis at maliwanag. Medyo malungkot subalit angkop sa tema ng post mo πŸ™‚

    maraming salamat, kaibigang bw. ako’y natutuwa na naibigan mo ang aking mga larawan. happy week end πŸ˜€

  30. adinille · May 2, 2008

    ang awiting paglisan ay sakto sa tema ngayon… napatitig ako sa mga lahok mo ngayon… tunay na nakakalungkot.

    thank you, adinille. gustong gusto ko yang kantang paglisan, paborito ko yan pagdating sa videoke. hehehe πŸ˜‰

  31. Grey · May 3, 2008

    alam mo naisip ko din ilagay ang kanta na yan sa entry ko.. dahil ako naman ang lumisan. lumisan ng bansa 😦 pero sadya ngang nakakalungkot yang mga litrato mo lalo na un pag-iisa. 😦

    hello grey, thanks for your kind comment. mabuhay ka kaibigan, di biro ang sakripisyong ginagawa mo para sa pamilya at inang bayan. naks naman! and speaking of paglisan, diba’t ang ganda ng message ng kanta πŸ˜‰

  32. christine · May 3, 2008

    ang galing mo talaga kumuha ng litrato. palaging may damdamin. πŸ™‚ gustong-gusto ko yung una mong litrato. ramdam ko ang lungkot ko… kaya kung tanggapin mo, ito ang isang mahigpit na yakap mula sa akin para sa yo… πŸ™‚

    hello christine, maraming salamat sa iyong mahigpit na yakap. ako’y labis na natuwa, promise. and thank you for your kind comment on the photos. ikaw din kaya, ang ganda ng mga kuha mo. lalo na yong photos mo of your baby. and i red your blog, your sites beautiful, the photos are amazing and your entries are heartwarming. i absolutely enjoyed every minute spend reading and going thru your blog. add kita sa blogroll ko hah, thanks again πŸ˜‰

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s