Litratong Pinoy #4: Hugis Ay Pahaba

Ako’y humihingi ng paumanhin kong nahuli man ang aking lahok para sa linggong ito. Sabi nga sa Ingles — better late, than never. Diba?

Sa linggong ito, isa sa aking naisipan na larawang pahaba ay mga pakete ng Happy Nuts. Ito’y pasalubong mula sa isang kaibigan na nauwi sa Pilipinas. Sa pagkain nito ay naalala ko ang paborito kong bilhin sa tindahan ni Manang Lily noong aking kabataan, ang Growers Peanuts.

Happy Nuts

Ang sumunod naman ay litrato ng Miramar Beach sa lungsod ng Half Moon Bay. Kapansin pansin ang nakapagandang tanawin at ang puting buhangin sa napakahabang dalampasigan.

Miramar Beach, Half Moon Bay

 At ang aking huling lahok ay ang larawan ng isang kuwintas na gawa sa amber, onyx at ivory. Ito ay bigay ng isang kaibigan ng siya ay nadestino sa Johannesburg, South Africa noong taong 2000.

Ivory & Amber Necklace

 

Advertisements

7 comments

  1. morks · April 25, 2008

    ang gaganda ng kuha mo nell. pinakagusto ko yung beach 🙂

    thank you iris, or should i say morks? i like that name, it sounds adorable (surely you are). glad you like the photo of the beach, that was taken last year pa on my birthday. i promise to visit that beach again before summer begins 😉

  2. rose · April 25, 2008

    naku i love kutkutin like nuts, junk foods haha… lalo pag nanonood ng sine or TV..
    i love the necklace too..

    oh btw.. i love your background music..so relaxing..

    happy weekend sayo…

    hello rose, ako rin kaya eh junkie lover. hehehe! pero medyo nag cut down na rin ako. medyo nahahawa ako sa diet ni mader, more fruits and veggies bale. thanks for the kind comment hah, glad you like the photos and the music. happy week end din sayo, mwaaah 😀

  3. munchkinmommy · April 25, 2008

    nell, san ka nagtago? 😀 pahingi ng happy mo! may chicken adobo flavor pala yan. uy, may stash din ako ng 2 garapong mani from my relatives. hee hee! favorite ko from your pics this week ay ang half moon bay pic. ganda! 🙂

    hello weng, nabanggit ko yata sayo sa conversations natin last week. napunta ako ulit ng oregon, to fix up some stuff and then dala bakasyon na rin sa washington. hehehe! sorry friend, ubos na pala yong happy nuts. paano naman eh nagustuhan ni nicho, kaya ayon nilantakan nya, bwahaha! glad you like the photo of the beach, fave ko rin among the three. you know naman how i love coastal life. dba? happy week end, mwaaah 😀

  4. Leap of Faith! · April 26, 2008

    Nell, I miss Happy and Growers… ingit ako sa iyo.
    The shoreline of that beach is beautiful. So wide and so white.
    Ang dami ng necklace collection mo, ha.
    How was your vacation? Tagal mong nawala ha…

    hello keith, my vacation (if i can call it that) eh started as a home improvement project. pero sinamahan ko na rin ng lakwacha, hahaha! masaya, na pressured, na stressful, at super daming nangyari in between. hehehe, mostly eh beaches ang mga pinuntahan ko — tipong coastal living ang dating. and that beach photo, that’s in half moon bay. malapit lang yan dito sa amin and it’s nice to relax there when it’s warm. the necklace was a pasalubong naman. i barely use it these days kasi yong friend ko na nagbigay sa akin nyan has expired not too ago. so tipong memento sya for me of our five year friendship. anyhow, thanks so much for your kind comment. how’s your family and pinky? hope all is well, God bless 😀

  5. Pinky · April 27, 2008

    Hello Nell! So nice to have you back in cyberspace – na-miss ka namin – sobra!!!

    Glad to know all’s well with you though. Loved the coastline shot – so relaxing – and the Happy Nuts – so nakakagutom! Hahaha! 😆

    Take care!

    thanks for the warm welcome, pinky. and with all honesty, namiss ko kayong lahat. you know naman i don’t have a laptop pa, so tiyaga muna ako sa cellphone internet when i’m away. sensya na kong di ko nasabi that i was taking a break. wala naman sana akong intention na magbakasyon, but since i was there na sa northwest eh nag explore na rin ako. i was about to cross the canadian border (victoria and bc) if it wasn’t for my passport, i have yet to apply for one and wala na rin yong green card ko. sayang nga eh, grrrrr! but all is well, thanks for your kind concern. and glad you like the photos i took. i must say that i like the coastline shot as well, you know i’m a sucker for beaches and waterfronts. hahahah, thanks again, sis pinky. mwaaah :mrgreen:

  6. Kaje · April 28, 2008

    uyyy paborito ng asawa ko yang happy pero yung adobo flavor ang lagi niya binibili 🙂 btw, congrats sa citizenship at sa realization mo 🙂

    your wife and i will definitely get along, kaje. hehehe, fave ko rin yong adobo flavor. and thanks so much for your kind comment, although i must admit that i’m not use yet with my citizenship status. hehehe, i guess it takes time. thanks for the blog visit and have a good day 😉

  7. Meeya · April 28, 2008

    uy mani. i miss that! yung mga mani dito parang kulang sa linamnam. or biased lang ako, hehe.

    the beach pic is so serene. we have one thing in common, you live near miramar beach. ako naman talaga miramar, fl. hehe!

    dami mong kwintas ha? lahat interesting. 🙂

    cheers! better late than never! *muah*

    thanks meeya, glad you like the photos. and speaking of peanuts, tingin ko rin eh mas masarap yong galing sa atin. malamang ng dahil sa vetsin, hehehe. and the beach, i have yet to see miramar again. siguro sa birthday ko ulit eh punta ako don. ay sa miramar pala ang beauty mo hah, i heard daming outlet stores dyan. heheheh! thanks again for your kind comment sis, mwaaah 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s