Litratong Pinoy #: Mahal Na Ina
May 8, 2008Para sa linggong ito, ang aking lahok para sa Litratong Pinoy… ay mga larawan ng aking mahal na ina.
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko’y tala
Ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni Nanay
Langit ang buhay
Puso kong may dusa
Sabik sa ugoy ng duyan mo, Inay.
May hihigit pa ba
Sa isang katulad mo
Inang mapagmahal na totoo
Lahat ng buti ay
Naro’n sa puso mo
Buhay man ay handang ialay mo.
Walang inang matitiis
Ang isang anak
Ika’y dakila at higit ka sa lahat.


















